- Table View
- List View
Ang Dilaw Kong Tsinelas
by Marbin MacalinoSi Ali ay isang batang makulit na mahilig sa tsinelas. Pero sa isang pagkakataon, nawala ang isang kapares ng kanyang paboritong tsinelas. Ano kaya ang gagawin ni Ali para mahanap ang kaniyang dilaw na tinelas?
Bantay Ang Pusang Nais Maging Aso
by Anna Liza M. GasparGustong-gusto ni Bantay na sumama at makipaglaro sa kanyang mga kaibigang aso. Ayos lang naman ito, ngunit naiiba si Bantay dahil siya ay isang pusa. Umaasa si Bantay na maging aso rin siya balang araw. Isang araw, nalagay sa panganib ang kanyang amo.
Eleanor: Ang Ilaw ng Tahanan ng Suarez at Santiago
by Kate CabigaoEleanor had the golden touch. She is the beauty in everyday things - the comfort in a touch, the warmth in a home, the joy in a memory, the pleasure in dreams of tomorrow.
Junior Ipon
by Mark Kevin De GuiaNagsimula ang Junior Ipon bilang tesis ni Mark Kevin "Kevin" de Guia sa kursong Information Design sa Ateneo de Manila University. Nagsimula ito bilang isang 45-pahina na workbook na tinalakay ang mga aralin tungkol sa Gusto at Kailangan, Pag-iimpok, at Pagnenegosyo. Ang layunin ng kaniyang proyekto ay makagawa ng isang pang-edukasyong materyal sa pagkatuto ng mga kabataan sa tamang paghawak ng sarili nilang pera. Katuwang na layunin nito ay gamitin ang malikhaing pagdisenyo upang maging kasiya-siya ang paggamit ng libro sa mga batang mambabasa. Higit pa sa layuning matapos ang kaniyang tesis, nilikha ni Kevin ang Junior Ipon upang mabigyan ng solusyon ang problema ng mga kabataang napipilitang huminto sa pagpasok sa paaralan dahil sa kakulangan ng pinansyal na kapasidad upang makapag-aral. Nakilala ng St. Matthew's Publishing Corporation si Kevin at ang Junior Ipon sa exhibit ng mga nagtatapos sa kurso ng Information Design noong Enero 27-30, 2014. Mula sa pagtatagpong iyon, hinikayat ng tagapaglathala si Kevin na palawakin ang mga nilalaman ng libro at ipagpatuloy ang kaniyang pagsisikap sa pagpapalaganap ng financial literacy sa kabataang Pilipino. Karamihan sa nilalaman ng libro ay naisulat ni Kevin habang siya ay nasa ikalawang taon ng pagtuturo at pagiging isang teaching fellow ng Teach for the Philippines—isang karanasan na higit na nagbigay inspirasyon sa kanya sa pagtatapos ng libro. Ang kumpleto at pinalawak na bersiyon ng Junior Ipon ay ang librong nasasainyong mga kamay ngayon. Ang adbokasiya ng Junior Ipon ay hindi nagtatapos sa paglathala at pag-imprenta ng libro. Kinakailangan itong maipagpatuloy ng mga tagapayo ng mga kabataan—mga magulang, mga guro, mga kapatid, at mga "ate" at "kuya" sa kanilang mga komunidad. Kung kaya, nagpapasalamat kami ngayon sa inyong pagpili at paggamit ng Junior Ipon bilang gabay sa pagtuturo ng mga batang nasa ilalim ng inyong pangangalaga.
Lakbay
by Bookshare"Napagtagumpayan ng mga manunulat sa Ani 41: Lakbay ang hamon na ito. Sa mga tula at kuwento, bumabalik ang makata sa lugar na kinalakhan upang higit na makilala ang lugar na pinagmulan. Binibigyang-pansin ito sa Ani 41. Sa muling pagtanaw sa sarili, napagmumuni-munihan nila ang kapaligiran at kultura. Hindi lamang sa sariling bayan kundi maging sa bayang binibisita. Sa tomong ito na binubuo ng mga tula, sanaysay, at maikling kuwento, ibinabahagi ng mga manunulat sa iba’t ibang larangan at propesyon ang kanilang karanasan at pananaw sa pagbibiyahe. Inaanyayahan ang mga manlalakbay at manggagawang pangkultura, gayundin ang PWDs (Persons with Disability) sa isang espesyal na seksiyon para ikuwento sa atin ang kanilang karanasan sa paglalakbay."
Nasaan na ang mga alitaptap?
by Renee Juliene KarununganMatalik na magkaibigan sina Tonyo at Ningning. Isang araw, napiling lumikas nina Ningning at ng iba pang mga alitaptap para maghanap ng bagong tirahan. Magkikita pa kaya ulit ang magkaibigan?
Super Maya And Her Amazing Ears!
by Bambi A. Rodriguez"Super Maya at ang Kanyang Kamangha-manghang Pandinig," na isinulat ni Bambi A. Rodriguez at iginuhit ni Nicolo M. Ilagan, ay kuwento tungkol kay Maya, isang batang may problema sa pandinig. Kamakailan, mas nahihirapan siyang makarinig kaya't dinala siya ng kanyang mga magulang sa audiologist na si Ms. Mae, na nagpakilala kay Maya sa mga hearing aid. Bagaman una siyang kinakabahan at nakaranas ng pagkalito sa mga tunog, unti-unti siyang nasanay sa paggamit ng hearing aid. Sa tulong ng kanyang pinahusay na pandinig, naranasan ni Maya ang eskuwela at araw-araw na buhay sa bago at mas magandang paraan. Sa huli, naging kumportable at tiwala si Maya, habang ang kanyang mga kaibigan at pamilya ay masayang nagdiwang sa kanyang kakayahang makarinig at makipagkomunikasyon nang mas maayos.
Super Maya (Filipino)
by Bambi A. RodriguezAng 4-year old na si Maya ay isang batang mahina ang pandinig (HOH). Siya ay bago sa bayan at tiyak na bago sa paaralan. Siya ay nasasabik tungkol sa pagpunta sa klase, subukan ang iba't ibang mga materyales sa sining, makaranas ng mga bagong laruan at subukan ang palaruan ng paaralan! Excited din si Maya sa pakikipagkilala sa mga bagong kaibigan, ngunit hindi siya sigurado kung paano ito gagawin o kung ano ang magiging reaksyon nila sa kanyang pagiging mahina sa pandinig. Samahan si Maya habang natututo siya kung paano mag-navigate sa kanyang bagong kapaligiran sa paaralan at matutunan kung paano magkaroon ng mga bagong kaibigan sa proseso.